Mga Talumpati

  1. Philippine Normal University
    Taft Avenue, Manila

    GAWAD PARANGAL
    March 20, 2009, 8:30 a.m.
    Main Building Auditorium

    THEME: “Education for Social Transformation in an Interconnected World”

    Speech of: Aaron A. Tolentino
    Cum Laude
    Bachelor of Secondary Education, major in Social Science
    With Specialization in Campus Writing and Advising
    Jose Rizal Most Outstanding Student Leader of the Year Awardee
    Student Government Leadership Awardee

    Distinguished Guest Speaker, Justice Amy Lazaro-Javier, University officials headed by Atty. Lutgardo B. Barbo, beloved Professors, Parents, co-awardees, batch mates, ladies and gentlemen, a pleasant morning to everyone.

    Receiving this highest co-curricular award on leadership is very prestigious yet, it is not entirely mine. Let me start by thanking the Almighty God who has been my stronghold and refuge in times of difficulties and struggles in life, for allowing me to stand before you today. To my parents, who nurtured me with their love and comfort; to my sister and relatives for their continuous support; to my dear Professors who equipped me with the essential knowledge and skills that I may utilize in the future; to the administrators and staff who always welcome and assist me in all my needs in the organization; to my colleagues in the Student Government, Creative Educator Society, PNU-Geografika and the Social Science Club for the experiences and teamwork we have shared; to my best friend, special friends, and peers who always understood and accepted me despite my numerous shortcomings.

    Being the recipient of the Jose Rizal Most Outstanding Student Leader of the Year award entails, like Spiderman, a serious responsibility. I venture that this responsibility includes continuing the legacy of PNU as a premier Teacher Training Institution. And to me, this means developing teachers who will work for a better world and who will advance education for personal renewal and social transformation. But what makes PNU as the National University for Teacher Education? What do graduates of PNU like Justice Amy Lazaro – Javier and Nene Guevarra have in common? What is the distinctive character of PNU education?

    Is it the conducive academic environment that promotes the full flowing of our potentials? Is it the variety of cultural exposure that develops the humanistic dimension of a teacher? Is it the rigorous training in the classroom and co-curricular activities initiated by caring professors and administrators with a compelling vision to remain as a national center of excellence in teacher education? Is it our peers, our barkada support system in our common journey towards excellence? I say yes, to all of the above. But to continue this legacy has never been easy for the days are full of challenges that confront us, our country, and the world.

    I want to share an insight I gained from a poem that, to me, reverberates of the sin of omission, many of us are guilty of. “We have multiplied our possessions but reduced our values; we talk too much, love too seldom and lie to often; we’ve been all the way to the moon and go back, but have trouble crossing the street to meet the new neighbor; we’ve cleaned up the air but polluted the soul; we’ve split the atom, but not our prejudice; we’ve learned to rush, but not to wait; we have higher incomes, but lower morals; more food, but less appeasement; more acquaintances, but never friends; more effort, but less success.”

    The world is gripped by the specter of human rights violations from ethnic cleansing in intolerant communities down to corporal punishments inside the classrooms. Green house effects have sent warm signals around the world while the seemingly innocuous littering in the streets remain a way of life. The age-old inequalities of the developed and underdeveloped countries continue to divide peoples, and many among us lack even the cheapest transportation fare to attend our classes. President Barak Obama notwithstanding, racial discrimination remain a palpable reality. I wonder, just how many among us will scrimp at having to seat beside someone of color or person of different persuasion.

    As education leaders, how should we respond to these challenges? How can we be an agent for social transformation?

    As I’ve experienced, these can be addressed to, if we, future leaders of our country will have knowledge and essential information to guide us where to start, if we can identify entry points for possible breakthrough; if we acquire the necessary values and virtues, good quality habits of the mind and strong dispositions; and if we can participate to move towards action in changing society’s systemic characteristics, be it in restructuring the technological, economic, political and cultural spheres.

    As teachers, we can instill consciousness, and teach our students the concepts of equality, regardless of sex, gender, social class, creed, race or even ethnicity and practice this in their everyday lives; teach them development while protecting our environment; and moreover, to promote peace and understanding in our communities. In other words, we have to match our teaching with practice, by living what we preach.

    As the youth leaders of today, we are expected to be vanguards of a moral revolution in the midst of global economic crisis caused by corporate greed and as the nation desperately searches for a new messiah in 2010 to deliver us from corruption and moral decadence. We, the top graduates of Batch ’09 must respond positively and creatively to these challenges of our times. The holistic education we got from PNU adequately prepared us to the tasks ahead. Finally, we draw inspiration from our national hero Dr. Jose Rizal and a leading educator from Brazil Paulo Freire who by consistency of their lives and works call us forcefully than ever before, to return to hope and dreams as essential elements if humanity is to have a future.

    As a Social Science major, I fully adhere to their critical ideas to be truly committed to truth, justice, excellence, and service to others. For there is no change without a dream and no dream without hope.

    Now, I challenge you, my co-PNUans, do not be overwhelmed by formidable challenges that confront us today, but be motivated to be part of smaller changes that we can contribute today for the larger change we may expect in the future. Let us start now, let us prove that we are the hope of our homeland. Let us stand united, committed enough to transform our society.

    On this note, I end this short reflection by saying: “Kung nais nating mabago ang ating mundo, kailangang magsimula muna ito sa ating mga sarili, at makikita ninyo na sa mga susunod na panahon ay unti-unti na ring magbabago ang ating lipunan, ang ating bansa, at ang buong mundo.”

    “Sa ano mang hamon sa hinaharap, palagi nating isaisip, isapuso at isagawa na ‘Kaya ng Pinoy’, ‘Kaya natin to’, ‘Kaya ng PNUan’. Mabuhay ang Batch 2009!

  2. National Youth Commission
    Quezon Avenue, Quezon City

    LICEO DE PULILAN COLLEGES 12TH FOUNDATION DAY
    Enero 27, 2011, ika-9:00 n.u.
    Longos, Pulilan, Bulacan

    TEMA: “Labindalawang Taon ng Kalinangan sa Mapaghamong Panahon”

    Talumpati ni: Aaron A. Tolentino
    Executive Assistant III, NYC

    Sa pinakamamahal nating Pangulo ng Paaralan, Gng. Olive P. Castro, sa tagapangulo ng Liceohan 2011, G. Rogelio T. Santiago, sa mga pinuno ng iba’t ibang mga kagawaran, mga dalub-guro, mag-aaral, mga panauhin, isang mapagpalang umaga sa ating lahat.

    Una sa lahat, nais pong ipaabot ni Commissioner Steve Laurence M. Arquiza, sa ngalan ng buong Pambansang Komisyon ng Kabataan, ang aming mainit na bagbati ng isang Maligayang Ikalabindalawang taong pagkakatatag ng mga Kolehiyo ng Liceo de Pulilan.

    Ako po ay lubos na nagagalak dahil ang inyong institusyon ay nagkaroon na ng mahigit labindalawang taong pagtuturo, paghubog, at paglinang ng mga kakayahan ng mga mag-aaral sa Liceo de Pulilan. Marahil, ang iba sa kanila ay may-ari na ng malalaking kompanya, at maituturing ng matagumpay sa kanilang piniling larangan. Ito ay hindi lamang dahil sila ay masigasig sa pag-aaral bagkus dahil din ito sa hindi mapantayang dedikasyon ng kanilang mga dalub-guro na mapalawig ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang asignatura; sa pamunuan ng paaralan na walang sawang nag-iisip, nagpaplano, at nagsasakatuparan ng mga programa para sa institusyon ng may higit na pagkalinga at kalidad ng serbisyong binibigay; at sa mga magulang at iba pang nagsipagtapos din sa paaralang ito, na laging handang gumabay, at sumuporta sa ating mga adhikain.

    Itong labindalawang taong ito ay bunga ng sama-samang pagkilos, pakikilahok, at pagtutulungan ng bawat isa sa atin, mapa-guro, mag-aaral, o magulang man, ay may mahalagang tungkulin na dapat gampanan sa ikauunlad ng ating komunidad.

    Ngunit sa paglipas ng bawat araw, bumibigat ng bumibigat ang mga hamong kinakaharap natin. Katulad na lamang sa kaligiran ng sistema ng ating edukasyon, sa isang daang (100) bata, siyam na pu (90) ang nakakapasok sa Grade 1, apat na pu’t tatlo (43) ang magtatapos ng haiskul, labing apat (14) lamang ang makakatapos ng Kolehiyo. Sa labing apat na ito, apat (4) ang makakakuha ng trabaho, sampu (10) ang kukuha ng board exam ngunit apat (4) lamang ang papasa.

    Ito ay maliwananag na pagpapakita sa atin na may malaking hamon tayong kinakaharap. Hamon upang lalo pa nating paigtingin ang paglinang at paghubog sa ating mga pag-asa ng bayan. Gawin nating gabay ang apat na haligi ng pagkatuto sa ating landasing ito.

    Una, matuto kung paano matuto. Hindi na sapat na ipakabisado at tapusin ang laman ng libro bagkus, ipaunawa sa mga bata ang kahalagahan at kaugnayan ng kanilang pinag-aralan sa kanilang pang-araw araw na buhay. Imbes na ipakabisado ang mga pangalan ng mga bayani ng Pilipinas, bigyang diin na sila ay namatay upang tayo ay magtamo ng kalayaan. Na dapat tayong maging nasyonalista, mapagmahal sa bayan, bumibili ng ating sariling produkto.

    Ikalawa, matuto kung paano gumawa at magkaroon ng kalinangan sa ibat ibang larangan. Ngayon ang panahon ng pagpapalawig ng kalinangan ng mga kakayahan. Hindi lamang ang mga magagaling sa asignaturang akademiko ang kailangan, gaya ng magaling sa Inggles, Agham, at Matematika, magaling din dapat sa manwal na kakayahan gaya ng pagguhit, pagwewelding, at iba pa na mas mabilis ang pagkakaroon ng trabaho dito sa bansa at sa ibang panig ng mundo.

    Ikatlo, matuto kung paano makisalamuha, makibahagi, at makitungo sa kapwa. Ang paaralan ay nilikha upang maging lugar na ang mga mag-aaral ay makipagtalastasan sa iba, magbigay ng kuru-kuro at mapaunlad ang kanilang karakter at mabubuting asal. Ito rin ay maaaring maging daluyan ng pagpapakita ng kultura at kung ano ang katangi-tangi at ipagmamalaki sa kanilang lipunan, na tayo ay nagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.

    At kapag naturuan na natin kung paano sila matuto kung paano matuto, matuto kung paano linangin ang kanilang kakayahan, at matutong makibahagi sa iba, matututo na rin sila ng ikaapat, ang matutong maging siya, isang Filipino, na nahubog ang buong aspeto ng kanyang pagkatao ng may higit na mataas na respeto at pagtingin sa sarili bilang isang Pilipinong magaling, mahusay, mapanagutan, at may dignidad.

    Ito, ang aking hatid na mensahe para sa inyo, ang ibahagi sa mga kabataan sa ngayon ang dapat nilang gawin at malaman para maging mainam ang kalagayan ng mga susunod pang salin-lahi.

    Nais ko itong wakasan sa mensaheng: “Kung nais nating mabago ang ating mundo, kailangang magsimula muna ito sa ating mga sarili, at makikita ninyo na sa mga susunod na panahon ay unti-unti na ring magbabago ang ating lipunan, ang ating bansa, at ang buong mundo.”

    “Sa ano mang hamon sa hinaharap, palagi nating isaisip, isapuso at isagawa na ‘Kaya ng Pinoy’, ‘Kaya natin to’, ‘Kaya ng mga taga Liceo. Mabuhay ang mga Kolehiyo ng Liceo de Pulilan!

  3. Mababang Paaralan ng Barrio Obrero
    Tundo, Maynila

    PAGTATAPOS ‘11
    Ika-7 ng Abril, 2011, ganap na 6:30 ng umaga

    TEMA: “Ang Magsisipagtapos: Kaagapay tungo sa pagbabagong anyo ng lipunan, tugon sa hamon ng sambayanan”

    Talumpati ni: Aaron A. Tolentino
    Executive Assistant III
    Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas
    Pambansang Komisyon ng Kabataan

    Panimulang Pagbati
    Sa pinakamamahal nating punung-guro, Dr. Estrella L. Agbayani, sa ating masisipag na mga guro, lalo na sa aking mga naging guro, sa mga kawani ng paaralan, mga magulang, mga panauhin, mga kaibigan, at higit sa lahat, sa mga magsisipagtapos, isang mapagapalang umaga sa ating lahat!

    Pasasalamat at Pagbibigay pugay sa Alma Mater
    Una po sa lahat, nais ko pong magpasalamat sa pag-anyaya po ninyo sa akin upang maging panauhing tagapagsalita ngayong umaga para sa natatanging araw na ito lalo na sa mga magulang at magsisipagtapos. Ito po ay isang karangalan na mabigyan ng pagkakataong makapagbigay pugay sa institusyong unang nagpunla ng butil ng kaalaman sa akin. Mahigit sampung taon na ang lumipas, ako ay nakaupo rin, katulad ninyo, nag-aantay na tawagin ang aking pangalan at makuha ang aking pinagpagurang diploma at pagkatapos ay ihandog sa aking mga magulang. Ngunit linggid sa inyong kaalaman, ako ay hindi nagtapos bilang tampok (valedictorian) o ulirang (salutatorian) mag-aaral, o kahit ano mang karangalang banggit. Marahil, sadyang marami lang mas matalino sa akin sa klase o sa biglang tingin, ako ay isang pangkaraniwang mag-aaral nga lamang.

    Multiple Intelligences
    Pagdating ko sa mataas na paaralan, ako ay nagbabalik tanaw sa aking mga araw sa mababang paaralan at pinipilit kong isipin kung may talino nga ba talaga akong taglay. Ni pagkanta sa klase ni Bb. Andrei Bondoc o Dr. Noemi Q. Mactal, ako ay sintunado. Parehong kaliwa ang aking paa kapag sumayaw sa klase ni Gng. Alarcon. Tingting lamang ang kaya kong iguhit sa silid ng sining ni Sir Agustin. Bigla ko na lang nasabi sa sarili, meron nga kaya akong talento o baka wala naman talaga? Sa paglalim ng aking pagninilay-nilay ay naalala ko ang iba’t ibang mga gawain na inatas sa akin ni Bb. Corazon T. Basig at ni Bb. Estrelita Mangulabnan nung ako ay nasa ikatlo at ikaapat na baitang na mangasiwa sa pagtitinda sa tray kapag recess na; patahimikin ang aking mga kaklase at ilista ang mga maiingay kay Gng. Corazon Oliveros ng ikalawang baitang at Gng. Angelita F. Timbol ng unang baitang; o bumalik sa hapon upang mag-obserba at panandaliang magturo sa mga nasa ikalimang baitang pagkatapos ng klase ko sa umaga noong ako ay nasa ikaanim na baitang, sa klase ni Gng. Magdalena Rimpos ng Filipino. Syempre, sinong makakalimot sa balitang Obrero, habang ako ay nagsusulat ng mga balita at lathalain, habang nagsusuot pa ako ng Barong Tagalog dahil napiling lumahok sa patimpalak ang ating Resource Bureau (Silid-akalatan ng Filipino) sa pangangasiwa ni Gng. Violeta C. Delfin. Higit sa lahat, sa pagkalinga at paghubog ng aking kakayanan sa pamumuno, sa mapagpalang kamay ni Gng. Luzviminda Bondoc, na nagtiwala sa akin, at gumawa ng paraan upang ako ay maparangalan bilang Special Police Chief Commanding Officer, ito ang aking kauna-unahang medalyang natamo. Unti-unti kong napag-isip isip na ang mga ganitong gawain pala ang simula ng paglinang ng aking mga natatanging kasanayan sa larangan ng pamumuno, pagsasalita, at pakikipag-ugnayan sa mga tao. Na ako ay mahusay din pala sa pagpaplano at pagsusulat. Kaya naman, ito ang aking naging lunsaran upang magpakadalubhasa sa pagiging guro sa agham panlipunan, sa pagmulat sa akin nina Bb. Ludina Bonito at Gng. Luzviminda Aguilar, at sa pagsusulat at pamamahayag sa Kolehiyo, bunga ng paglinang ni Gng. Fe Acosta.

    Sa kabila ng mga nabanggit na mga karangalan at pagkilalang aking natamo sa larangan ng pamununo at pang-akademiko habang ako ay ipinapakilala kanina, hindi pa ito sapat upang ako ay humintong hubugin at pagyabungin pa ang mga kasanayang ipinagkaloob sa akin ng Poong Maykapal.

    Hamon sa mga Magsisipagtapos
    Sa puntong ito, ano ba ang aking nais bigyang diin para sa inyong lahat? Sa mga magsisipagtapos, huwag kayong panghinaan ng loob na marami kayong mabababang marka, marahil sa Matematika at Ingles, o puro palakol at minsan pa ay kulay pula na halos ang nakasulat sa Form-138 (Report Card) dahil sa baba ng marka. Ituring ninyo itong hamon, hamon na hindi piliting maging magaling lamang sa mga pangunahing asignatura, bagkus ay tuklasin ang inyong natatanging talino at talento. Wala namang ipinanganak na bobo o walang alam. Noon, itinakda ng lipunan na ang mga babae ay dapat matalino sa Ingles, at ang mga lalaki naman sa Matematika. At kapag ikaw ay hindi marunong sa mga asignaturang ito ay huwag ka na lang mag-aral at magluto na lamang sa bahay, manahi, at magsaka sa bukid. Ngunit hindi na ngayon. Ayon kay Howard Gardner, meron na tayong multiple intelligences. Maaaring ikaw ay magaling sa matematika, ingles, musika, pagsasayaw, pagguhit, pag-arte, o kung sa ano pa mang larangan. Ito ay inyong alamin, linangin, at patuloy na paghusayin, at gawing bokasyon at kurso pagdating sa Kolehiyo.

    Sa mga biniyayaan naman ng natatanging kakayahan, lalo na sa mga magsisipagtapos ng may karangalan at nasa accelerated class, ipagpatuloy pa ninyo ang pag-aaral ng masigasig at itaguyod ang kalidad ng ating paaralan. Maging tampok na mag-aaral sa hinaharap at maging matagumpay sa mga paligsahan. Ngunit, huwag din namang puro aral na lang ang inaatupag at wala ng panahong mag-ehersisyo, maglibang, at mamasyal kasama ang pamilya at mga kaibigan. Gawin nating balanse ang ating buhay. Maging katuwang kayo ng ating lipunan sa pagbabalangkas ng mga gawaing mag-aahon sa atin sa kahirapan.

    Mga magsisipagtapos, tumayo kayong lahat. Hanapin ninyo ang inyong mga magulang, kawayan ninyo, at bigyan ng flying kiss. Alalahanin ninyo ang kanilang mga pagpapagal upang bigyang halaga ang inyong pag-aaral. Makakaupo na kayo.

    Hamon sa mga Magulang
    Inaanyayahan kong tumayo lahat ng mga magulang. Mga magsisipagtapos, bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating mga mahal na magulang. Anim na taong gumigising ng alas-kwatro ng madaling araw, ipinaghahanda ng almusal, inihahatid sa paaralan, ipinagbabalot ng mga cuaderno at aklat, at kung minsan ay iginagawa pa kayo ng proyekto. Kadalasan ay hindi nila inaamin na wala na silang pera at linggid sa inyong kaalaman ay nangungutang na lamang upang mabigyan kayo ng baon sa araw-araw. Maari na po kayong maupo. Mga nanay at tatay, may mga susunod pang taon, manatili kayong matiyaga, mapag-aruga, mapagmahal at laging handang sumuporta sa inyong mga anak. Alam po ninyo, kailangan din nating ituro sa mga bata ang tinatawag nating life skills. Turuan din natin silang magsaing, magluto, maghugas ng pinggan, maglinis, magbunot, at maglampaso sa bahay. Ito ang mas higit nilang kailangan bukod sa mga aralin sa loob ng paaralan. Ihanda natin silang matutong mamuhay ng mapanagutan at responsable sa hinaharap dahil hindi sa habang panahon ay nandiyan tayo sa kanilang mga tabi upang tulungan sila sa lahat ng oras. Sabi nga ng aking ina, ang tunay na katalinuhan ay nasusukat kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral, kung paano ka magdedesisyon sa tunay na pagsubok ng buhay. At ang tunay na sukatan ng pagmamagulang ay makikita sa produkto ninyo, sa personalidad at kakayahan ng inyong mga anak.

    Hamon sa mga Guro
    Sa mga kapwa ko guro, itayo natin ang bandera ng ating propesyon at bokasyon bilang mga pangalawang magulang ng ating mag-aaral. Walang taong nabubuhay sa ngayon ang hindi matagumpay kung walang gurong nagturo sa kanila. Walang abogado kung walang guro, walang duktor o nars kung walang guro. Hubugin natin sila hindi lamang maging matalino kundi mayroong mabuting asal at pag-uugali. Bigyan natin sila ng maraming pamamaraan upang matuto kung paano matuto. Linangin natin ang kanilang angking kakayahan. Sinong mag-aakala na sa isang panahon ay bumubuo na tayo ng Joseph the Artist sa Talentadong Pinoy sa larangan ng pagguhit, ni Manny Pacquiao sa boxing, Lisa Macuja sa pagsayaw ng ballet, Charice Pempengco sa pag-awit, Efren Peñaflorida bilang isang guro at ang kanyang classroom kariton, o ni Sen. Meriam Defensor-Santiago sa galing sa pakikipagtalastasan. Gawin natin silang inspirasyon na maaaring balang araw, alumni na rin ng Barrio Obrero ang laman ng telebisyon at pahayagan.

    Edukasyon ang Solusyon
    Alam ko, mga guro, mahirap talaga ang ating piniling bokasyon, masyadong mapanghamon. Sa katunayan, ito ang unang-unang isyu sa bansa, ang kalagayan ng kalidad ng edukasyon. Ayon sa datos ng Kagwaran ng Edukasyon, sa 100 na mga bata, 90 ang mag-eenrol sa Grade 1, 43 ang magtatapos sa haiskul, 23 ang mag-eenrol sa Kolehiyo, 14 dito ang makakapagtapos, 4 agad sa 14 ang magtatrabaho at yung 10 ay kukuha ng board exam, ngunit 4 lamang ang papasa. Ngunit huwag panghinaan ng loob, maging insipirasyon natin ang apat na pumapasa batay sa datos na ito, gawin nating insipirasyon na mas maging masigasig sa pagtuturo. Ganun din naman sa mga magsisipagtapos, gawin nating solusyon ang edukasyon upang makawala sa bitag ng kahirapan. Sabi nga, hindi mo kasalanan na ikaw ay ipinanganak na mahirap, ngunit ikaw na ang problema kung ikaw ay mamamatay ng mahirap dahil wala ka ng ginawang paraan upang makaahon dito.

    Pagkakaisa at Pagtutulungan patungo sa isang layon
    Mga magsisipagtapos, mga magulang, mga guro, at lahat kayong nasa lugar na ito, alam kong sawang sawa na tayo sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa at ng buong mundo mula sa pagkasira ng kalikasan, Tsunami sa Japan, lindol sa Myanmar, pulitikal na kaguluhan sa Libya. Maging ang hamon sa ating kasalukuyang administrasyong Aquino sa aspeto ng kahirapan, kakulangan ng trabaho, katiwalian, at iba pang suliranin. Magsimula sa atin ang solusyon. Mula dito, tayo ay may mahalagang gampanin para sa ikauunlad ng ating bayan. Tayo ay bahagi ng mas malaking lipunan, katulad ng isang katawan. Maaaring tayo ay mata, tainga, bibig, o paa, na may sarili sariling kakayahan at bahaging ginagampanan. Gamitin natin ang mga kakayahan at katalinuhang ito upang paunlarin ang ating bansa. Tayo ay magtulung-tulungan at maging mapanagutang mamamayan. Lalong higit sa mga magsisipagtapos, ayon nga kay Gat Jose Rizal, na tayo ang pag-asa ng ating bayan, huwag natin siyang bibiguin.

    Pangwakas na Hamon
    Bilang pangwakas, magsimula muna sa ating mga sarili ang pagbabagong nais nating makita sa bansang Pilipinas at buong mundo. Ang paglinang sa ating mga sarili ang susi upang matugunan ang mga suliranin, hamon, at salot ng lipunan patungo sa pagbabagong anyo nito at pag-unlad ng bayan.

    Huwag nating kalimutan ang ating Alma Mater. Sabi nga sa ating Obrero March, buong puso nating lingapin ang ngalan ng ating paaralang pinagbubunyi, maging tanglaw at sandigan ng kabataan. Kaya naman, palagi nating isapuso at taas-noong ipagmalaki na mahusay ang laking Obrero, magaling ang batang Manileño, Mabuhay ang Kabataang Pilipino!

  4. nino arellano

    very nice IDOL gagaya po ako syo pag laki ko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: